https://wordpress.com/post/kinnethpadrones16.wordpress.com/31 Ano ba ang reckless imprudence? DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2021/12/09/2146706/ano-ba-ang-reckless-imprudence December 9, 2021 | 12:00am Dear Attorney, Ano po ba ang reckless imprudence? Kakasuhan daw po kasi ako ng reckless imprudence nang nakabanggaan ko kung hindi ako makakapagbayad. Maari po ba akong makulong kung sakali? — Gil Dear Gil, Ang reckless imprudence, ayon sa Article 365 ng Revised Penal Code, ay ang boluntaryong paggawa o ‘di paggawa ng isang aksyon, na bagamat walang malisya o hindi naman sinasadya, ay nagdulot ng hindi basta-bastang pinsala sa iba dahil sa kakulangan ng pag-iingat ng may sala na walang sapat na dahilan. Sa pagdetermina kung may reckless imprudence nga ba, ikokonsidera ang hanapbuhay ng may sala, ang antas ng kanyang talino, ang kondisyon ng kanyang pangangatawan, at ang sitwasyon ng ibang tao, oras, at lugar na m...